Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Aminado ang Sangguniang Bayan ng Malay na kulang parin sa
pagsasanay ang mga empleyado sa mga resort sa Boracay pagdating sa pagsugpo ng
sunog.
Bunsod nito, nagmosyon at nagkasundo ang halos lahat ng
miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay na dapat magkaroon ng kahit dalawang
empleyado ang bawat resort/hotel sa Boracay na sumailalim sa pagsasanay hinggil
sa tamang pag-aksiyon kung may sunog.
Dahil dito, iminungkahi noong nakaraang sesyon na sana kahit
dalawa sa mga regular na empleyado ng establishemento na ito ay dumaan sa
training upang hindi magpanic at malaman ng mga ito ang dapat gawin para
sa kaligtasan ng nga turista.
Paliwanag pa ng mga konsehal, mas mainam na regular na
empleyado na agad ang ipa-training upang siguradong magtatagal na ito sa nasabing
establishemento at hindi yaong buwan buwan ay magpapasanay sila ng empleyado
kung umalis ang na-training na.
Samantala, dahil sa nakita ng konseho na kailangan na ito sa
isla, sa halip na pumasa pa ng resulosyon, hihilingin nalang umano nila sa
Punong Ehikutibo na idaan ito sa Executive Order ng Alkalde upang ano mang oras
ay pwede na itong maipatupad.
Ang katulad na suhistyon ng konseho ay nag-ugat sa
obserbasyon ng SB Member Rowen Aguirre sa nangyaring pagkasunog ng generator
set ng isang resort sa Station 1, kung saan napansin umano nito sa mga
empleyado doon na tila hindi alam ang kanilang gagawin o uunahin.
No comments:
Post a Comment