Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Balak na rin ang Department of Labor and Employment DOLE-
Aklan na magkaroon ng Labor Management Desk sa Boracay at Malay.
Ito’y para mapabilis ang pagtugon sa suliranin ng mga
empleyado at employer sa isla ng Boracay.
Ayon kay Bidiolo Salvacion, OIC DOLE Officer ng Aklan, nitong
nagdaang buwan ng Marso ay nakipagpulong na ito sa lokal na pamahalaan ng Malay
kaugnay sa nasabing balak.
Katunayan, nakapag-usap na rin umano sila ng ilang
nagmamay-ari ng establishemento sa Boracay at ng Alkalde ng Malay upang malaman
kung anong departemento ng LGU ang hahawak o makakatuwang ng DOLE, para
madaling ma-resolba ang mga problemang may kinalaman sa trabaho.
Ito’y kasunod ng pag-amin din ni Salvacion, na karamihan sa
mga reklamong natatanggap ng DOLE tungkol sa mga employer sa Aklan, ay
nagmumula sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment