Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Humanga si Ariel Abriam, Pangulo ng Boracay Chamber of
Commerce and Industry o BCCI, sa ikinasang aksiyon ngayon ng lokal na
pamahalaan ng Malay sa Boracay.
Ayon kay Abriam, nakita nilang maganda ang adhikain ng LGU,
kaya sila sa BCCI ay sumusuporta naman sa nais mangyaring ito ng lokal na
pamahalaan, basta’t ito’y para sa ikaaayos at ikaka-preserba ng isla.
Maliban na lamang umano kung may nakita silang mali sa
gawaing ito at doon nalang umano magsasalita.
Dagdag pa ni Abriam, kung ano man ang napag-isipang ito ng
LGU ay susuporta sila, dahil ang lokal na mga opisyal ng bayan naman ang nasa
posisyon at may expertise o dalubhasa sa ganitong usapin, na hindi na kailangan
pang sila sa BCCI o mga stakeholder pa ang magsabi sa LGU, lalo na at rason din
na ibinoto sila ng mga tao.
Ang pahayag na ito Ariel Abriam, ay kanyang sinabi sa
panayam ng himpilang ito, bilang reaksiyon sa ikinasang Moratorium laban sa mga
konstraksiyon ng gusali sa isla ni Mayor John Yap, na naglalayong maitama ang
kung ano ang mali sa Boracay, at maipreserba upang maka sabay sa inter national
standard ng turismo.
No comments:
Post a Comment