Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
“Costumer is always
right.”
Ito ang inihayag ni Atty. Allen Quimpo, dating Kongresista
at kasalukuyang tagapayo legal ng pamahalaang probinsiya.
Aniya, nais sana umano nilang isulong na kung maaari ay
bigyan din ng masarap na ngiti sa pagbaba palang sa mga paliparan ang mga
turista sa halip nang puro pangu-usisa na lang sa dalang mga gamit o bagahe, na
nagpapahirap aniya sa bisita.
Lalo na sa mga pasahero umanong sumakay sa mga sasakyang
panghimpapawid na may Direct Flights mula sa Hong Kong, Taiwan at iba pa na
lumalapag sa paliparan sa Aklan.
Dahil naniniwala itong pag-alis palang umano ng mga
turistang ito mula sa bansa nilang pinanggalingan ay nasuri na rin ang mga
bagahe at dukomento ng mga ito.
Partikular na tinukoy ni Quimpo ay ang Bureau of Custom at
Bureau of Immigration.
Gayon pa man, nilinaw nito na hindi umano ibig sabihin ay huwag
nang ganpanan pa ng mga nabanggit na kawani ang kanilang trabaho.
Ito ay dahil ang nais lamang umano nilang mangyari ay
maiwasang maantala ang biyahe ng mga turista at masiguro mapabilis ang serbisyo
sa mga ito.
Bunsod nito, balak umano ngayon ng probinsiya na hilingin sa
Department of Transportation and Communication (DOTC), mga paliparan sa Aklan
at Civil Aviation Authority na hilingin ang kanilang kooperasyon sa katulad na
usapin.
Ang pahayag na ito ni Quimpo ay kasunod ng nao-obserbahan
aniya nito na tila nahihirapan ang mga turista sa pagbaba palang ng paliparan
dahil sa puro inspection na lang.
No comments:
Post a Comment