Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Mismong ang Chairman ng Committee on Transportation na ng
konseho na si SB Member Welbic Gelito ang humiling na magpasa ng resulosyon
upang pagtibayin ang Municipal Ordinance 202 o mga regulasyon, pamantayan at
penalidad kaugnay sa operasyon ng mga tricycle sa Boracay.
Layunin ng resulosyong isinusulong ni Gelito ang ipatupad ng
mahigpit ang nilalaman ng ordinansa dahil maging ang mga taga konseho ay pansin
na tila hindi na sinusunod ng mga driver sa Boracay ang ordinansa.
Bunsod nito maging ang taga pagtupad ng batas na ito sa isla
ay nahihirapan na rin aniyang gamapanan ang kanilang trabaho, bagay na pati ang
Punong Ehikutibo na rin umano mismo ayon sa mga konsehal ang humihingi ng
resulosyong ito para sa mahigpit na implementasyon.
Subali’t ayon kay Vice Mayor at Presiding Officer ng konseho
na si Ceciron Cawaling, tila hindi na umano kailangan ng resulosyon sa katulad
na sitwasyon.
Ito ay dahil maaari naman umanong magbaba ng Memorandum
Order para sa Island Administrador ng Boracay upang higpitan na ang
implementasyon.
Lalo pa at may mga itinalaga na aniyang mga Municipal
Auxiliary Police o MAP sa Boracay kaya tila wala nang rason na hindi ito
magawa.
No comments:
Post a Comment