Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Pormal nang inilatag ng lokal na pamahalaan ng Malay ang
nilalaman ng Moraturium of Building Construction na sinimulang ipatupad sa
Boracay.
Sa harap ng mga awtoridad sa isla na kinabibilangan ng mga
pulis, Philippine Army, Bureau of Fire, Municipal Auxiliary Police (MAP), mga
Barangay Officials sa Boracay at Caticlan, mga opisyal ng bayan, stakeholders
at iba’t ibang sector, ay inilatag ni Alma Beliherdo ang maaaring mangyari at
rason kung bakit ito ikinasa.
Layunin ng pulong na ito nitong umaga ay maipabatid sa lahat
para maintindihan ng karamihan kung bakit muling ikinasa ang moratorium na ito
sa pangalawang pagkakaon.
Ayon kay Beliherdo, sa moratorium na ito sa loob ng isang
taon, ay inaasahang magkaroon ng pagbabago sa isla kaugnay sa biglaang
pagsulpot ng mga residential at boarding houses sa Boracay, para maging maayos
ang lahat sa isla.
Ang nasabing moratorium ay ikinasa nitong nagdaang Marso 30 na
magtatapos din sa ika-30 ng Marso sa susunod na taon.
No comments:
Post a Comment