Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Sa kabila ng mahigpit na kampaniya ng lokal na pamahalaang
Malay laban sa mga bagay na ipinagbabawal sa loob ng isla, hindi pa rin
maitatanggi na marami pa ang hindi alam at sumusunod sa mga batas dito, lalo na
ang pagkain at mag-inuman sa front beach.
Kung saan, aminado naman ang tanggapan ng Municipal
Auxiliary Police o MAP na kinulang sila sa tao ngayong Holy Week, dahil sa dami
ng tinututukan sa isla.
Kung kaya may ilang batas na nasa ordinansa na hindi nila
napansin ayon kay Rommel Salsona, Hepe ng MAP sa Boracay.
Gayon pa man, nilinaw ni Salsona na mahigpit nilang
ipinapatupad ang pagbabawal sa mga kumakain sa tabing dagat, dahil kapag nakita
umano nila ang mga ito ay ini-isyuhan nila ng citation ticket.
Subalit dahil sa ang ilan sa paglabag na ito ay hindi nakikita
ng MAP. Malaking tulong din umano ang naibibigay ng mga security guard ng mga
establishemento sa front beach sa paraan ng pagre-report sa tanggapan ng MAP
kaugnay sa nakitang paglabag sa ordinansa.
Ang pahayag na ito ni Salsona ay kasunod ng napansin at
isinusumbong na may ilang mga bisita na ginagawang picnic area ang front beach at
nag-iinuman pa doon nitong Holy Week.
No comments:
Post a Comment