Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Wala nang nakikita pang problema ang pamahalaang probinsiya
kung reklamasyon sa Caticlan ang pag-uusapan.
Sapagka’t ayon kay Atty. Allen Quimpo, dating kongresita at
kasalukuyang Legal Adviser ng probinsiya ng Aklan, nabatid na umano nila mula
kay Aklan Governor Carlito Marquez kamakailan lamang, na inindorso na rin ng
Board of Director ng Boracay Foundation Incorporated o BFI ang proyektong
ito, maliban sa pag-endorsong ibinigay
ng SB Malay at ng Caticlan Barangay Council.
Dahil dito, balak na umanong isunod ng probinsiya sa ngayon
ang pagrequest ng joint motion para i-withdraw ang kaso at ipresenta ito sa
Supreme Court.
Mula doon ay nakikinita na aniya ni Quimpo na sa lalong
madaling panahon ay idi-dismiss na ng korte ang kaso.
Kampante naman ang nasabing abogado na papayag ang BFI sa
balak ng probinsiya na joint motion, dahil sa nai-endorso na rin nila ito.
Samantala, naniniwala si Atty. Quimpo na naihanda na rin ng
abogado ng probinsiya ang dukometo o nilalalaman ng joint motion na ito na
ipi-presenta nila Supreme Court.
No comments:
Post a Comment