Posted May 12, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Pinag-aaralan na umano ng Sangguniang Panlalawigan ang
proposal na inihain para sa isa pang port sa Yapak area.
Sa pakikipanayam ng himpilang ito kay Jetty Port Administrator
Nieven Maquirang, nabanggit nito ang binabalak na pagpapatayo ng isa pang pantalan
sa Yapak kung saan layun nitong mabawasan ang abala na nangyayari sa Cagban
Port at para maging maayos ang akomodasyon sa volume ng mga turista at bibisita.
Ani Maquirang, nasa proseso na ito kasama ang
pakikipag-usap sa mga lot owners para sa magiging lokasyon.
Dagdag pa nito na ang ideya umano sa pagtatayo ng bagong
port ay upang mapabilis ang magiging daloy ng mga bibisita lalo na ang mga
turista at residente na nakatira sa hilagang bahagi ng isla.
Tututukan sa planong ito ang seguridad sa isla at i-momonitor
ang mga papasok dito dahil na rin sa mga travel warning na inilalabas katuwang
ang mga Coastguards, Maritime at maging ang hanay ng pulis.
Sa iba pang development, inaprubahan na umano ang
Memorandom of Agreement sa pagpapatayo ng building para sa Coastguard sa Cagban
at may nakalaan ng budget at lugar para dito kung saan maglalagay rin ng
Command Center para sa mas mabilis na komunikasyon sakaling may insidenteng
mangyari.
Samantala, handa naman umano ang Probinsya ng Aklan na
mag- invest para rito kung saan isa itong hakbang para protektahan at mapanatili
ang ganda ng Boracay at mas lumago pa ang turismo.
Pinaabot nito sa lahat na maging vigilant at
makipagtulungan para sa ikauunlad ng isla ng sa gayon ay manatiling matiwasay
ang Boracay.
No comments:
Post a Comment