Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ini-refer ngayon
ni LIGA President Juliet Aron ang ordinansa patungkol sa truckers at haulers sa
Caticlan na gawing gabi ang kanilang operasyon.
Sa ika-14 th
Regular Session nitong Martes ng Sangguniang Bayan ng Malay, binuksan ni Aron
ang usapin sa Privilege Hour para maibahagi ang balakin ng Caticlan council.
Sinabi nito sa
mga miyembro ng SB, na kaya niya ito ini-refer at binuksan ang usapin sa
session ito’y dahil nahihirapan na umano ang mga commuters lalo na at nagiging
dahilan ito ng mahabaang traffic sa lugar.
Nabatid kasi na
pinag-usapan nila ito sa naganap na meeting ng Barangay Council kung saan ito
ang kanilang gustong isulong ngayon.
Samut-sari naman
ang mga naging komento ng mga konsehales ukol dito dahil hindi lamang mga
haulers ng aggregates ang balak na i-regulate kundi maging ang mga truck na may
kargang livestock at iba pa.
Samantala,
ini-refer ito ngayon sa Committee on Laws and Ordinances na pinamumunuan ni SB
Jupiter Gallenero.
No comments:
Post a Comment