Pages

Friday, May 12, 2017

Pantalan sa Yapak, pinag-aaralan na ng Provincial Government - Jetty Port Administrator

Posted May 12, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for PANTALANPinag-aaralan na umano ng Sangguniang Panlalawigan ang proposal na inihain para sa isa pang port sa Yapak area.

Sa pakikipanayam ng himpilang ito kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, nabanggit nito ang binabalak na pagpapatayo ng isa pang pantalan sa Yapak kung saan layun nitong mabawasan ang abala na nangyayari sa Cagban Port at para maging maayos ang akomodasyon sa volume ng mga turista at bibisita.
Ani Maquirang, nasa proseso na ito kasama ang pakikipag-usap sa mga lot owners para sa magiging lokasyon.

Dagdag pa nito na ang ideya umano sa pagtatayo ng bagong port ay upang mapabilis ang magiging daloy ng mga bibisita lalo na ang mga turista at residente na nakatira sa hilagang bahagi ng isla.

Tututukan sa planong ito ang seguridad sa isla at i-momonitor ang mga papasok dito dahil na rin sa mga travel warning na inilalabas katuwang ang mga Coastguards, Maritime at maging ang hanay ng pulis.

Sa iba pang development, inaprubahan na umano ang Memorandom of Agreement sa pagpapatayo ng building para sa Coastguard sa Cagban at may nakalaan ng budget at lugar para dito kung saan maglalagay rin ng Command Center para sa mas mabilis na komunikasyon sakaling may insidenteng mangyari.

Samantala, handa naman umano ang Probinsya ng Aklan na mag- invest para rito kung saan isa itong hakbang para protektahan at mapanatili ang ganda ng Boracay at mas lumago pa ang turismo.

Pinaabot nito sa lahat na maging vigilant at makipagtulungan para sa ikauunlad ng isla ng sa gayon ay manatiling matiwasay ang Boracay.

No comments:

Post a Comment