YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 11, 2017

Demons Gang sa Boracay, nasakote ng mga otoridad

Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Nasakote na nang mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang mga umano’y miyembro na Demons Gang sa isla.

Nakilala nga ang mga naarestong suspek na sina Janel Tayco Villanueva, 19-anyos ng Kalibo, Reymond Alan Molina, 19-anyos ng Ambulong, Brgy., Manocmanoc, Boracay at CICL a.k.a. “Christian”, 15-anyos ng Sitio Tulubhan ng nasabi ring lugar.
Image result for house theft
Base sa report ng Boracay PNP, nitong ika-4 ng Mayo umano ng alas-dos ng madaling araw pinasok ng mga suspek ang kwarto ni “Jury” at kinuha ang Flaire S3 cell phone nito, na iniwan nito sa itaas ng lamesa para bumili ng pagkain sa labas.

Subalit dahil sa tulong nang mga kaibigan ng biktima, nahuli ang isang suspek na si “Christian“ na dali-dali naman nilang ini-report sa mga otoridad.

Samantala, sa kapareho ring araw, alas-tres ng madaling araw naman sumalakay ang dalawang suspek na si Janel at Reymond na kinuha ang Lenovo Tablet, Samsung J2 at GoPro Cam ng biktimang si “Jane” gamit ang pag-akyat ng mga suspek sa kanilang bintana.

Kaugnay nito, sa pinagsanib na pwersa ng mga pulis ng Boracay PNP, nahuli ang suspek na si Janel at Raymond sa ginawang follow-up operation ng mga ito.

Si Janel Villanueva at Raymond Molino ay nahaharap na sa kasong robbery at theft at nakakulong na sa Aklan Rehabilitation Center habang ang suspek na si "Christian" na CICL o Children in Conflict With The Law ay tinurn-over sa Malay Social Welfare and Development (MSWD) .

No comments:

Post a Comment