Posted May 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
“Walang Major
Incident”.
Ito ang naging
pahayag ni Deputy Director Police Inspector Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP sa
himpilang ito sa kakatapos lang na LaBoracay na nag-umpisa noong Abril 27
hanggang May 1, 2017.
Ayon kay Gesulga,
petty crimes lamang ang naitala ng kanilang tanggapan sa event na ito kung saan
nanguna ang theft incident na nagtala ng labin-tatlong insidente at isa rito ay
naaresto.
Sinundan naman
ito ng Physical injury na nakapagtala naman ng walo kung saan ang tatlo rito ay
at large, dalawa ang naaresto, dalawa rin dito ang sumailalim sa agreement at
isa ang ini-refer sa Barangay Justice System.
Dagdag pa rito,
mayroon ring anim na nai-rekord na Alarm and Scandal, Reckless imprudence
resulting to Physical Injury na isa at tig-iisa ring Threat, Tresspassing,
Malicious Mischief at Unjust Vexation.
Samantala,
nabanggit naman ni Gesulga na mas mataas ang pagdagsa ngayong taon ng mga
turista kumpara sa naitalang bilang sa nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment