Posted May 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Itinanghal na Gold Medalists
ang isang Malaynon matapos itong magpamalas ng galing sa katatapos na Palarong
Pambansa 2017 na ginanap sa San Jose de Buenavista, Antique.
Tatlong medalya ang nakamit ni Edwin Villanueva na
estudyante ng Malay National High School sa Paralympics event na nagsimula
noong Abril- 23 hanggang Abril 28.
Nabatid na naiuwi ni Villanueva ang medalya sa paglangoy
para sa kategoryang Breaststroke, Backstroke at sa Freestyle.
Sa panayam ng himpilang ito sa nagsilbi nitong Coach na
si Luneta Tumaob, na-beat umano ni Villanueva ang rekord nito sa nakalipas na
taon kung saan ipinakita nito ang angking gilas sa kabila ng kanyang kapansanan
na mas naging mabilis pa ngayong taon.
Kaugnay nito nasungkit naman ni Sheila Mae Salibio Talja
ng Malay National High School ang gintong medalya sa larangan ng secondary
girls triple jump.
Magugunitang itinanghal rin sa Talja na bilang silver
medalists sa nakaraang taon para sa secondary girls’ long jump.
Ang Palarong Pambansa ay taunang multi-sport event kung
saan kabilang rito ang mga atletang estudyante galing sa labing-walong rehiyon
sa Pilipinas na inorganisa at pinamamahalaan ng Department of Education o
DepEd.
No comments:
Post a Comment