Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kasado na ang ginagawang
paghahanda ng Boracay Foundation Inc., o (BFI) para sa nalalapit na Flores De
Mayo na gaganapin sa Mayo 27 ngayong buwan.
Ayon kay BFI Marketing Officer Raffy Cooper, ang mga
kasali umano rito ay mula sa mga hotel at resort kasama na ang ibat-ibat
organisayson sa isla.
Dagdag pa ni Cooper, ang tema umano sa mga susuotin ng
mga sasaling reyna ay mga desinyo na hugis korales.
Samantala, sa mga hindi pa nakapag-parehistrong sasali ay
pumunta lang sa opisina ng BFI dahil hanggang May 15 nalang umano ang kanilang
pagtanggap ng mga lalahok.
Ang Flores De Mayo ay nasa ika-apat na taon na sa Boracay
kung saan ang layunin nito ay maipakita ang kulturang pinoy lalo na sa mga
turistang nagbabakasyon sa isla.
Samantala, ang selebrasyong ito ay nagbubukod-tangi dahil
ang parada ng mga reyna ay ginagawa sa dalampasigan at hindi sa kalsada na
ating naka-ugalian.
No comments:
Post a Comment