Pages

Thursday, May 11, 2017

Pagtatapos ng LaBoracay, naging maayos—BTAC

 Posted May 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for LABORACAY
 “Walang Major Incident”.

Ito ang naging pahayag ni Deputy Director Police Inspector Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP sa himpilang ito sa kakatapos lang na LaBoracay na nag-umpisa noong Abril 27 hanggang May 1, 2017.

Ayon kay Gesulga, petty crimes lamang ang naitala ng kanilang tanggapan sa event na ito kung saan nanguna ang theft incident na nagtala ng labin-tatlong insidente at isa rito ay naaresto.

Sinundan naman ito ng Physical injury na nakapagtala naman ng walo kung saan ang tatlo rito ay at large, dalawa ang naaresto, dalawa rin dito ang sumailalim sa agreement at isa ang ini-refer sa Barangay Justice System.

Dagdag pa rito, mayroon ring anim na nai-rekord na Alarm and Scandal, Reckless imprudence resulting to Physical Injury na isa at tig-iisa ring Threat, Tresspassing, Malicious Mischief at Unjust Vexation.

Samantala, nabanggit naman ni Gesulga na mas mataas ang pagdagsa ngayong taon ng mga turista kumpara sa naitalang bilang sa nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment