Posted December 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagkaisa ngayon
ang Provincial Health Office (PHO-Aklan) at Department of Health (DOH) sa
pagpapatupad ng total ban sa mga paputok ngayong kapaskuhan at pagsalubong ng
bagong taon.
Ito ang sinabi ni
Aklan Provincial Health Officer 2 Dr. Cornelio Cuachon Jr. sa isinagawang
pagpupulong ng Provincial Health Office (PHO-Aklan) kaugnay sa Iwas Paputok
Campaign.
Puspusan ang
kampanya ng kagawaran sa pag-iwas sa paputok at sa halip ay hinihikayat ang
kumunidad na maglaan na lamang ng designated area parasa fireworks display.
Sa datos ng DOH,
lumalabas na madalas na biktima ngpaputok ay ang mga kabataan na nasa edad
15-anyos pababa.
Nabatid na
nagsagawa ng motorcade ang kanilang opisina kabilang ang ibat-ibang
representante ng MDRRMO sa probinsya at mga concern agencies nitong 13 ng
Disyembre.
Kasabay nito,
muling hinikayat ni Cuachon ang publiko na gumamit nalang ng mga alternatibong
pampaingay sa pagsalubong sa bagong taon.
No comments:
Post a Comment