Posted December 23, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ayon kay Gemma Santerva ng Social Welfare ng bayan ng
Malay, masakit na umano sa mata ang mga kumakalat na mga nagpapalimos sa isla.
Dagdag pa ni Santerva, kasama umano ng Malay Municipal
Social Welfare Development Office (MSWDO) ang Philippine National Police (PNP)
para isulong ang polisiyang ito sa mga resort sa isla kung saan hinihikayat
niya rin ang mga turista na mag-report sa Boracay-PNP sakaling makaranas sila
ng ganitong gawain.
Nabatid na kadalasang umanong namamalimos na makikita sa
kahabaan ng front beach ay mga badjao at may kapansanan sa sarili.
Kung matatandaan aprubado na ang ordinansa sa pagbibigay
ng penalidad sa mga namamalimos at nagbibigay ng limos subalit kailangan paring
sumailalim nito sa pagpupulong.
Nabatid na ang nasabing batas sa pagbibigay ng penalidad
ay inaprobahan noong August 1, 2016 sa 4th Regular Session ng 17th Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment