Posted December 23, 2016
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Pagtampok ng mga magagandang tanawin at lugar sa
probinsya ng Aklan, ito ngayon ang prayoridad ng bagong opisyales ng Aklan
Photographers Society, Inc.
Ayon kay Aklan Photographers Society, Inc. President Joel
Juliano, magsisilbing kontribusyon sa turismo at pag-unlad ng probinsya ang
pag-promote sa pamamagitan ng kanilang mga kuhang litrato.
Bukod dito,kinokunsidera nilang maging kabahagi dito ang
ilan sa mga Government Institutions at
LGU’s.
Sa nakalipas na taon, ang organisasyong ito ay kumukuha
na ng mga iba’t-ibang shots ng mga tourist attractions hindi lamang sa
Probinsya ng Aklan ngunit pati na rin sa mga karatig na probinsya sa Panay
Island.
Ang layunin ng grupo na mapalaganap ang mga kuhang
litrato upang lalo pang masilayan at makilala ang mga tinatagong ganda ng
Aklan.
No comments:
Post a Comment