Posted December 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
SB Malay Session |
Sa 23rd Regular
Session ng SB-Malay nitong Martes, naging pangunahing bisita si Huyong kung saan
i-prenesinta nito sa komite ang itsura ng kanilang itatayong fast food chain sa
station 2.
Aniya, hindi lang
umano para sa kanilang negosyo ang kanilang ipapatayong fast food kundi pati
narin ang pag-promote ng Art sa isla.
Nabatid kasi na
Tubular Design ang gagawin sa harapang bahagi nito kung saan tuwing gabi ay
magkakaroon ng isang hindi pangkaraniwang ilaw na magiging sentro ng atraksyon
sa mga turista lalo na sa mga dumadaan sa kahabaan ng front beach.
Dahil dito, nagkomento
naman ang mga miyembro ng komite partikular na sa kung ano umano ang mga
paglalagyan ng pagkain.
Ayon kay Huyong, ang
gagamitin nila dito ay ang Biodegradable.
Nabatid na ito umanong
proyekto ay kauna-unahang itatayo sa isla kung sakaling ma-aprubahan ito ng
Konseho.
Samantala, suhestiyon
naman ni SB Neneth Graf tungkol sa nasabing usapin, dapat umano ang magiging
empleyado dito ay mga Malaynon.
Nabatid kay
Huyong na 60 porsyento umano sa Lokal at 40 porsyento naman sa labas ang
kanilang kukuning empleyado dito.
Kaugnay nito,
itong usapin ay ini-refer naman sa Committee Land and Use, Environmental at
Tourism.
No comments:
Post a Comment