Posted December 21, 2016
Ni Danita Jean A.Pelayo, YES FM Boracay
Tiniyak ng DTI- Aklan sa mga
mamimili na walang paggalaw sa mga presyo ng mga Noche Buena items ngayong
holiday season.
Ito ay alinsunod sa Suggested Retail Price (SRP) sa mga
produktong mabenta tuwing holiday season katulad na lamang ng keso, hamon at
iba pa, base na rin sa isinagawang regular price monitoring ng DTI.
Ang pananatili ng presyo ng mga bilihin ngayong papalapit
na pasko at bagong taon ay nakabase rin sa presyo ng buong nasyon.
Ayon naman kay Department of Trade and Industry (DTI)
Aklan OIC Provincial Director Carmen Ituralde, namigay na umano sila ng mga
poster na naglalaman ng SRP ng mga bilihin sa mga retail outlets.
Samantala, sa pamimili naman ng mga gagamitin sa
paghahanda, paalala nito sa publiko na siguraduhin umanong i-tsek muna ang mga
ang petsa ng mga produktong ito.
No comments:
Post a Comment