Posted December 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Naglabas na
ngayon ng report ang opisina ng Municipal Treasurers Office hinggil sa umanoy
pag-issue ng pekeng ticket sa FARM-C sa Manoc-manoc.
Nabatid na itong
usapin ay pinag-usapan ng mga komiteba dahil umano sa maanomalyang nangyayari
dito.
Kung matatandaan nais
ni SB Dante Pagsuguiron na gumawa ng resolusyon upang makapagbigay ang
Treasurers Office ng report hinggil sa nasabing isyu, habang sinabi naman ni Jupiter
Gallenero na sa oras na hindi nila maipasa ang report, dito na sila magsasagawa
ng imbestigasyon.
At nito ngang nakaraang
Martes, naging bisita muli sa 23rd Regular Session ng SB si Boneres Pagsuguiron,
dating trabahador sa FARM-C, kasama si Municipal Agriculturist Denric Sadiasa
at PO3 Jerone Gregorio ng Maritime Police upang alamin kung ano na ang aksyong kanilang
ginagawa dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nabibigyang solusyon ang
naturang problema.
Ayon kay Gregorio,
nagsasagawa na umano ng hot pursuit ang mga pulisya upang mahuli kung sino ang
nasa likod ng mga pekeng tickets sa isla.
Magugunitang sa
nakalipas na 19th Regular Session ng SB ay naipagkumpara ang original at fake
tickets base sa isinagawang ocular inspection sa mga snorkeling ticket, kung
saan nakitaan ito ng pag-kakaiba partikular na sa digit ng serial number nito.
Samantala, naging
suhestiyon naman dito ni Liga President Julieta Aron na kung maari ay dalhin na
ang usapin sa legal body, dahil matagal na umano itong issue subalit hanggang
ngayon ay hindi parin nalulutas.
Ang Farm-C ay
isang NGO na namamahala sa mga fish sanctuary na pinupuntahan ng mga turista
para sa kanilang Snorkeling Activity.
No comments:
Post a Comment