Posted October 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muling iginiit ng
DOT Accreditation sa mga negosyante sa Boracay na magpa-accredit ng kanilang
mga negosyo upang madali nila itong mamarket.
Ayon kay DOT
Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, mas mahalaga
umanong maging bahagi ng kanilang serbisyo kung saan kasama na rito ang pagtaas
ng antas ng isang negosyo sa mga
turista sa pamamagitan ng accreditation.
Nabatid, na ang
accreditation mula sa DOT ang magpapatunay na nakapasa sa standard ng
Department of Tourism ang pasilidad o serbisyo ng isang tourism enterprise.
Samantala,
nagpaalala naman ngayon si Velete sa mga hotel and owners na magrenew na ng
kanilang accreditation at ang mga hindi pa nakapagpa-accredit ay pumunta lang
ng kanilang opisina.
Samantala, ang
aktibidad ng DOT ay nagbibigay ng sapat na kaalaman tungkol sa online
accreditation, ang mga benipisyo nito at insentibo.
No comments:
Post a Comment