Posted October 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang pahayag
ni Mayor Ceciron Cawaling sa himpilang ito kung saan on-going na umano ang
development at nakalatag na umano ang mga gagawing construction ng kanyang
administrasyon lalo na sa holding at terminal area ng Tabon Port.
Nabatid kasi na
itong dalawang Port ay ginagamit tuwing habagat season sa pagtawid ng mga pasahero
lalong-lalo na ang mga turistang papunta at papalabas ng isla.
Aniya, may plano
na umano sa proyektong gagawin kung saan una dito ay aayusin na umano itong
second floor ng Tabon at arrival and departure ng mga turista ng sa gayon ay
may masilungan at hindi na pagala-gala ang mga ito sa labas.
Kaugnay nito,
hahabaan rin umano ang rampa ng Tabon Port kung saan nga ay naghahanap na sila
ng private investors upang gumawa nito pati na ang mga kalsada at parking area
dito.
Samantala, maglalagay
din ng mga infrastructure sa area ng Tambisaan nguni’t ito umano ay uumpisahan
pa sa susunod na taong 2017 dahil ngayong taon umano ay zero budget ng siya ay
naupo bilang bagong alkalde ng Malay.
No comments:
Post a Comment