Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sinaksak-patay
ang isang menor-de-edad ng kanyang sariling pinsang lalaki sa Sitio Bolabog,
Barangay Balabag, Boracay kaninang madaling araw.
Base sa report ng
Women and Children Protection Desk (WCPD) Boracay, nagpasaklolo umano sa kanila
ang tatay ng biktima kung saan nga ay sinaksak-patay ang kanyang anak ng
sariling pinsan nito na 21-anyos na suspek.
Sa kanila umanong
imbestigasyon, mismong ang live-in partner ng biktima ang nakasaksi ng
pangyayari kung saan hinamon umano ng suspek ang pinsang biktima ng suntukan sa
hindi pa malamang rason.
Kaugnay nito,
nagpasaklolo nalang ang biktima sa kanyang live-in partner dahil nagresulta
umano ng pananaksak sa kanyang leeg ang kanilang away.
Dahil dito, agad
namang dinala ang biktima sa malapit na pagamutan subali’t ideneklara din itong
DOA o dead on arrival ng doktor na sumuri.
Samantala,
pansamantalang nakapiit na ang suspek sa lock-up-cell ng Boracay PNP station at
nakatakdang sampahan ng kaso sa kanyang nagawang kasalanan.
Nabatid, na
dating kasintahan ng suspek ang live-in
partner ngayon ng pinsang biktima.
No comments:
Post a Comment