Posted October 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Tagumpay ang
isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa gitna ng Lokal na
pamahalaan ng Malay, Barangay Officials, Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC), Stakeholders at iba pang law enforcers.
Nakapaloob sa
kanilang nilagdaan ang pakikipag-ugnayan sa bawat isa upang masugpo ang
kampanya laban sa iligal na droga ng Duterte Administration kung saan ito ay
magsisimula sa mga Barangay, isa na nga dito ang bayan ng Malay.
Nitong hapon,
nagbigay ng kaalaman at mensahi si Malay PNP Chief PSI Mark Evan Salvo tungkol
sa Barangay Anti-Drug Abuse Council o (BADAC) sa mga Barangay Officials kung saan
hinikayat niya ang mga ito na makipagtulungan sa kanila upang masugpo ang
iligal na droga.
Gayunman, sinabi
rin ni Malay Mayor Ceciron Cawaling na makipagtulungan ang mga ito sa mga pulis
upang maging drug free ang mga Barangay.
Base sa MOA,
sinasabing ang operasyon ay may tatlong proseso kung saan ito ay paghahandaan simula
noong Setyembre 1 hanggang Setyembre 20 ay ang paglunsad sa mga bayan at
barangay habang ang aktwal na operasyon ay sa Setyembre 21 hanggang Nobyembre
20 at ang post-operations ay sa Nobyembre 21 hanggang sa Disyembre 10, 2016.
No comments:
Post a Comment