Posted October 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muli ngayong
hinikayat ng DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete ang
mga hotel owners sa tamang paggamit ng kuryente sa kanilang negosyo.
Ito’y may
kaugnayan sa ginanap na Zero Carbon Resort for Sustainable Tourism sa isla ng
Boracay nitong nakaraang buwan ng Septyembre.
Nabatid, na itong
proyekto ng ZCR ay nagbigay ng kaalaman kung paano ang tamang paggamit ng kuryente
o enerhiya upang hindi masayang ang paggamit nito ng mga resorts establishments.
Ayon kay Velete, ito umanong paglunsad ng ZCR sa Boracay ay malaking tulong sa mga negosyante lalo na ang mga nasa Small and Medium Enterprise o SME.
Ayon kay Velete, ito umanong paglunsad ng ZCR sa Boracay ay malaking tulong sa mga negosyante lalo na ang mga nasa Small and Medium Enterprise o SME.
Kaya naman kahit umano
sa simpleng proyekto na ito hinihikayat ni Valete ang mga negosyante na i-apply
nila ang tamang paggamit ng kuryente sa kanilang mga negosyo ng sa gayon ay
makatulong ito sa kanila.
No comments:
Post a Comment