Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Tahasang sinabi
at ikinadismaya ni Punong Barangay Lilibeth Sacapaño ang ginanap na Brgy. Assembly
meeting nitong Sabado ng Oktubre 8.
Sa pakikipag-usap
ng himpilang ito sa Punong Barangay, nadismaya umano siya dahil kaunti lamang
ang umattend sa kanilang isinagawang meeting.
Aniya, mas
maganda sana kung pumunta ang mga residente dito ng sa gayon ay maipaabot sa
kanila kung saan napunta ang kanilang budget at kung ano ang mga ipinagawa
nito.
Kaugnay nito, hindi
naman sila nagkulang sa pagpa-alala at pagpa-anunsyo sa kanilang gaganaping
meeting.
Nabatid na ang
Barangay Assembly ay taunang ginagawa upang ibahagi at mapag-usapan ang mga
nagawa at sisimulan palang na proyekto ng kanilang Barangay.
Samantala, kahit
umano kaunti lang ang dumating sa kanilang pagpupulong ay naibahagi naman nito
sa kanila ang mas pinaganda pang serbisyo ng Balabag, isa na rito ang bagong
pasilidad ng Barangay Hall.
Inaasahan naman
nito sa pagbibigay ng budget sa susunod na taong 2017 ay uumpisahan na ang
kanilang mga nakalatag na proyekto.
No comments:
Post a Comment