Posted October 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagbabala ngayon
ang Cebu Pacific Airlines sa publiko hinggil sa pagkuha ng mga online promo sa
Internet.
Lumalabas kasi sa
kanilang imbestigasyon na marami ang namemeke sa pamamagitan ng online promo
kung saan labis ang kanilang pag-alala sa oras na merong kumuha at mabiktima
nito.
Napag-alaman na kumalat
pa ang balitang ito sa ilang social networking sites na namimigay diumano ng
murang ticket ang airlines.
Samantala, inihayag
na ng pamunuan ng Cebu Pacific na mag-ingat kung saan naglabas na ang kanilang
ahensya ng impormasyon hinggil sa mga pekeng online promo.
No comments:
Post a Comment