Pages

Monday, October 10, 2016

MOA signing para sa “drug-clearing operations” sa bayan ng Malay, nalagdaan na

Posted October 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Tagumpay ang isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa gitna ng Lokal na pamahalaan ng Malay, Barangay Officials, Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Stakeholders at iba pang law enforcers. 

Nakapaloob sa kanilang nilagdaan ang pakikipag-ugnayan sa bawat isa upang masugpo ang kampanya laban sa iligal na droga ng Duterte Administration kung saan ito ay magsisimula sa mga Barangay, isa na nga dito ang bayan ng Malay. 

Nitong hapon, nagbigay ng kaalaman at mensahi si Malay PNP Chief PSI Mark Evan Salvo tungkol sa Barangay Anti-Drug Abuse Council o (BADAC) sa mga Barangay Officials kung saan hinikayat niya ang mga ito na makipagtulungan sa kanila upang masugpo ang iligal na droga.

Gayunman, sinabi rin ni Malay Mayor Ceciron Cawaling na makipagtulungan ang mga ito sa mga pulis upang maging drug free ang mga Barangay.

Base sa MOA, sinasabing ang operasyon ay may tatlong proseso kung saan ito ay paghahandaan simula noong Setyembre 1 hanggang Setyembre 20 ay ang paglunsad sa mga bayan at barangay habang ang aktwal na operasyon ay sa Setyembre 21 hanggang Nobyembre 20 at ang post-operations ay sa Nobyembre 21 hanggang sa Disyembre 10, 2016.

No comments:

Post a Comment