Pages

Wednesday, October 12, 2016

DOT Boracay, hinikayat ang mga hotel owners hinggil sa tamang paggamit ng kuryente

Posted October 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Muli ngayong hinikayat ng DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete ang mga hotel owners sa tamang paggamit ng kuryente sa kanilang negosyo.

Ito’y may kaugnayan sa ginanap na Zero Carbon Resort for Sustainable Tourism sa isla ng Boracay nitong nakaraang buwan ng Septyembre.

Nabatid, na itong proyekto ng ZCR ay nagbigay ng kaalaman kung paano ang tamang paggamit ng kuryente o enerhiya upang hindi masayang ang paggamit nito ng mga resorts establishments.

Ayon kay Velete, ito umanong paglunsad ng ZCR sa Boracay ay malaking tulong sa mga negosyante lalo na ang mga nasa Small and Medium Enterprise o SME.

Kaya naman kahit umano sa simpleng proyekto na ito hinihikayat ni Valete ang mga negosyante na i-apply nila ang tamang paggamit ng kuryente sa kanilang mga negosyo ng sa gayon ay makatulong ito sa kanila.

No comments:

Post a Comment