Posted September 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hindi lang umano
sa mga high risk na lugar dapat paglagyan ng CCTV o Close Circuit Television
dito sa Boracay.
Sa naganap na
sesyon noong Martes nais ngayon ni SB Dante Pagsuguiron na maglagay o
mag-install ang lahat ng mga may-ari ng establisyemento ng CCTV kung saan
malaki umano itong tulong upang madaling makilala ang mga magtatangkang gumawa
ng krimen.
Ayon naman kay
Vice Mayor Abram Sualog, bago umano ang renewal ng permit ng mga Hotel/Resort Stakeholders
sa Boracay ay kinakailangang
munang maglagay o magkabit ng Closed-Circuit Television Camera para mabigyan ng
permit.
Kaugnay nito,
meron ng 18 CCTV sa Boracay ang ikinabit sa mga crime prone areas kung saan sa
susunod naman na annual budget ay dadagdagan pa ito upang mas mapabilis ang
pagrespondi ng mga otoridad sa anumang mangyaring insidente sa isla at bayan ng
Malay.
Nabatid na ang
CCTV ay malaking tulong upang mapapanatili ang katahimikan at kaayusan
ng lipunan at mababawasan ang kriminalidad na nangyayari lalo na sa mga pang-negosyong lugar.
No comments:
Post a Comment