Posted September 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Arestado ng mga
pulis ang isang lalaking may kasong Direct Assault sa Sta. Fe Romblon alas-8
kagabi sa Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan.
Huli ang suspek
na si Jay-R Espenida y Capispisan, 23-anyos, isang habal-habal driver at residente
ng Brgy. Pandan Romblon at temporaryong nakatira sa Brgy. Manoc-manoc.
Nahuli ang suspek
na may kasong Direct Assault na inisyu ni Cirilie Maduro Foja, Acting Presiding
Judge, 3rd Municipal Circuit Trial Court, Looc-Alcantara-Sta.Fe-San Jose,
Fourth Judicial Region, Looc, Romblon na may petsang January 27, 2015.
Samantala,
nagkakahalaga naman ng P12, 000 ang inilaang piyansa ng korte para sa kanyang
pansamantalang kalayaan na ngayon ay nasa kustudiya na sa Sta. Fe Police
Station at nakatakdang i-turn over sa korteng nasasakupan.
No comments:
Post a Comment