Posted September 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Mas pinaigting pa
ngayon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang pagkukulekta ng mga lapis
sa probinsya.
Ito’y dahil sa pakikipagtulungan
ng Philippine National Police (PNP) sa programa ng DSWD, National Youth
Commission (NYC) at Commission for Welfare Children (CWC) sa mga batang kapos
palad sa pagbili ng lapis.
Ayon kay Aklan
Police Provincial Office (APPO) Public Information Office PO1 Jane Vega, kaya umano
naging bahagi sila ng ganitong programa ng DSWD dahil isa umano sila sa makakatulong
para makapag-bigay ng impormasyon upang
malaman pa ng ibang tao na meron silang ganitong programa kung saan gusto nilang
makatulong sa mga batang mas nito.
Nakatakda naman
magtapos ang kanilang pangungulekta ng lapis ngayong Setyembre a-dyes kung saan
agad naman itong dadalhin sa opisina ng DSWD.
Nabatid na ang
mga lapis na makukulekta ay nakatakdang ibigay para sa selebrasyon National
Children Month.
Ang programang
ito ay bukas sa mga gustong tumulong kagaya ng Private sectors, Non-Government
Officials at Private Individuals.
Sa kabila nito,
sinabi pa ni Vega na matapos umano ang kanilang tulong sa DSWD ay nakatakda
naman silang gumawa ng sariling programa na makapag-bibigay rin ng tuloy sa mga
kabataan sa probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment