Posted
September 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi maikakaila na isa sa mga pangunahing problema
ngayon sa isla ng Boracay ay ang mga basurang naiipon at hinahakot araw-araw.
Sa panayam ng himpilang ito kay Malay Engr. Arnold Solano
ng Solid Waste Management, inanim nito na malaking hamon para sa kanya ang
pag-aayos ng basura sa isla ng Boracay.
Nabatid kasi na umaabot na sa 60 trucks ang kanilang
nahahakot na basura araw-araw sa buong isla na kinabibilangan ng residual
waste, recyclable waste, kitchen waste at iba pang basura na nagmumula sa mga
hotel/resort at mga kabahayan sa isla.
Ayon kay Solano lahat umanong nakokolektang basura ngayon
sa Boracay ay dinadala sa Manoc-Manoc MRF na siya ngayong paglalagyan ng basura
sa buong isla.
Bagamat hindi na dinadalhan ng basura ang Yapak MRF meron
parin umano ito ngayong 3, 310 cubic meters na nakatambak na basura doon gayundin
sa Balabag MRF na merong 10, 920 cubic meters na sunod na ring hahakutin.
Samantala, para umano mabawasan ang basura sa isla ng
Boracay ay isa sa mga pinaplano ng LGU ngayon ay ang paglaan ng supplemental
budget, bidding sa magha-haul at barge na maghahakot ng basura araw-araw na
dadalhin sa landfill ng Malay.
No comments:
Post a Comment