Posted September
9, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Ito ang pahayag ni Lieutenant Colonel Leomar Jose
Doctolero, Commander ng 12 IB Philippine Army ng Aklan sa kanyang pagdalo sa
ginanap na pulong ng Municipal Peace and Order Council sa bayan ng Malay.
Magiging visible umano ang mga sundalo sa mga pantalan at
paliparan sa Caticlan kasunod ng deklarasyon ni President Duterte na State of
Lawless Violence sa buong kapuluan.
Bagamat wala naman silang natanggap na ano mang banta ng
karahasan sa isla ng Boracay, mas makakabuti aniyang handa ang kanilang tropa
sa panahon na sila ay kakailanganin lalo at trabaho umano nila na proteksyonan
ang mga sibilyan.
Katuwang ang Malay PNP, poposte ang mga sundalo sa mataong lugar ng RORO area ng Caticlan Jettyport at area ng Caticlan Airport na posibleng umanong maging target ng mga may balak maghasik ng karahasan.
Katuwang ang Malay PNP, poposte ang mga sundalo sa mataong lugar ng RORO area ng Caticlan Jettyport at area ng Caticlan Airport na posibleng umanong maging target ng mga may balak maghasik ng karahasan.
Dagdag pa ni Doctolero, makikipag-ugnayan din sila sa
AVSE Group ng airport para sa pagpapaigting ng seguridad at paglatag ng
security planning lalo na at aminado ang mga opisyal ng paliparan na kailangan
nila ng karagdagan security force.
Si Lieutenant Colonel Leomar Jose Doctolero ay mula sa 15
IB ng Lanao Del Norte at kakaupo lang bilang Commander ng Army dito sa Aklan
nitong Hulyo taong kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment