Posted September 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Panibago na
namang sinasabing Commissioner ang inireklamo ng isang turista na kumuha
ng water sports activity sa Balabag,
Boracay.
Kinilala ang biktima
na si Gazel Delo Reyes, 24-anyos ng Tarlac City.
Ayon sa blotter
report ng Boracay PNP, kumuha umano siya ng Island Hopping, Helmet Diving at
Parasailing Activity na nagkakahalaga ng P7,000 sa sinasabing suspek na
Commissioner na si Mark Anthony Cabalfin, 31-anyos.
Binayaran din
agad umano ng biktima sa suspek ang halaga ng kanilang kinuhang water sports
activity kung saan ang una nilang ginawa ay Island Hopping at Helmet Diving.
Matapos nito ay
tinawagan ng biktima ang suspek para sa mga susunod pa nilang activity ngunit
sinabihan umano siya ng suspek na nawawala ang kanyang perang pambayad para sa
iba pang activity kung saan sinabihan nito ang biktima na ibabalik nalang
sakanya ang pera at bibigyan niya muna ito ng paunang bayad na P500 habang ang
kabuuang ibinigay sa kanyang pera para sa activity ay P4, 400.
Subali’t ng
muling kontakin ng biktima ang suspek ay hindi na ito sumasagot dahilan para
ireklamo na niya ito sa mga pulis kung saan kasalukuyan na rin itong
pinaghahanap ngayon ng mga otoridad.
No comments:
Post a Comment