YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 05, 2016

Malay at BTAC PNP, masigasig ang pagpapatrolya matapos ang pagsabog sa Davao

Posted September 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Masigasig ngayong nag-papatrolya ang Malay at Boracay PNP lalo na sa isla ng Boracay matapos ang nangyaring pagsabog nitong Biyernes sa Davao City.

Kahapon buong araw na nagsagawa ng pagpapatrolya ang mga pulis sa isla kasama ang lahat ng hanay ng mga nagpapatupad ng seguridad sa Boracay.

Ayon kay (BTAC) Senior Inspector Jess Baylon, nagsagawa umano sila ng preventive measure tungkol sa anumang insidente o explosion na maaaring mangyari sa isla ng Boracay.

Maliban dito naka-update umano ang kanilang alert status mula normal status to heightened alert sa lahat ng kapulisan at sa kanilang mga counterpart.

Kaugnay naman umano sa State of Lawless Violence, nananatili aniya ang lahat ng miyembro ng PNP sa Standard Operation Procedure kasama ang law enforcement kung saan normal parin ang kanilang trabaho at ang ginagawa ng mga kapulisan.

Ngunit sa naturang utos hindi lang nila dodoblehin ang seguridad kundi gagawin nila itong triple para ma-monitor ang anumang untoward incident sa isla.

Samantala, maliban sa foot patrolling nagsagawa din sila ng seaborne patrolling katuwang ang buong pwersa ng Boracay Action Group (BAG).

Samantala, nag-paabot naman si Baylon ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa Davao at sa buong LGU ng Davao kung saan dito din siya nanungkulan noon sa loob ng mahigit limang taon na nagtapos nitong 2015.

No comments:

Post a Comment