Posted September 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bumisita sa isla ng Boracay nitong Miyekules sina Consul
General LUO Gang at Consul WANG Hao mula sa Embassy ng People's Republic ng
China.
Dito dinalaw nila ang mga opisina at tanggapan ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC), Philippine Coast Guard-Boracay Substation,
Boracay Special Fire Protection Unit at Boracay Fire Rescue and Ambulance
Volunteers (BFRAV).
Ayon sa report ni SPO1 Christopher Mendoza, nagkaroon
umano ng presentasyon si PSINSP Jose Mark Anthony Gesulga, Deputy Chief ng BTAC
sa pagbisita ng Consul sa kanilang himpilan kung saan tinalakay nito ang order
at situation ng Boracay, prevalent crime, Boracay Integrated Security
Deployment Plan at ipinakita din nito ang CCTV ng BTAC.
Maliban dito buong pagmamalaki namang ipinakita ni
Commodore Leonard Tirol, Adviser/Consultant ng Boracay Action Group (BAG) ang
assets, capabilities at mga dokumento ng BAG sa mga ginawang pagtulong at
pag-protekta sa isla sa ibat-ibang klase ng krimen o pagresponde ng BFRAV at
pagbibigay ng first aid medication sa residente o turista sa isla.
Samantala, sa ginanap umanong lateral coordination
meeting kahapon sa Hennan Regency Resort and Spa ay ibat-ibang kasong
kinakasangkutan ng Chinese nationals ang tinalakay.
Nabatid na ang layun ng nasabing meeting ay para mapanatili
ang magandang relasyon ng Boracay stakeholders at ang Chinese tourists at lalo
pang humikayat ng maraming Chinese Tourists na bumisita sa isla ng Boracay.
Ang pagbisita ng Chinese Consuls sa Boracay ay mainit na
tinanggap ng LGU Malay, BFI, DOT at iba pang pribadong sektor sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment