YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, September 03, 2016

Aklan PPO naka-alerto na rin sa kabila ng nangyaring pagsabog sa Davao City

Posted September 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagpairal na rin ng full alert status ang Aklan Police Provincial Office (APPO) kasunod ng pagsabog kagabi sa Davao City.

Ayon kay SPO1 Nida Gregas Public Information Officer ng APPO Aklan, nanatiling naka-antabay ang kanilang pwersa kasunod ng nangyaring insidente kagabi sa lugar ng Pangulo.

Pinayuhan din nito ang publiko na maging alerto at isumbong sa mga otoridad kung mayroon silang mapansing kahina-hinalang gawi sa kanilang mga lugar.

Nabatid na bahagi ito ng kanilang precautionary measures upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Kasabay nito mas pinaigting din ang seguridad sa National Capital Region Police Office (NCRPO) lalo na sa mga matataong lugar kagaya ng mall, pantalan, paliparan at bus stations kung saan dinagdagan na rin ng pwersa ng mga magbabantay na pulis.

Samantala, umakyat na ngayon sa 15 katao ang namatay sa naganap na pagsabog sa Roxas Street sa bahagi ng night market sa Davao City na sinasabing kagagawan ng Abu Sayyaf group (ASG) ayon sa paniniwala ng MalacaƱang.

No comments:

Post a Comment