Posted September 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muling nag-paalala
ang Malay Transportation Office (MTO) sa mga operators at drivers ng motorsiklo
na may Modified Mufflers sa Malay at isla ng Boracay.
Ayon kay MTO
Officer Cesar Oczon, ang mahuhuling gumagamit parin ng Modified Muffler ay may
kaukulang penalidad na nagkakahalaga ng P2, 500.
Kaya naman
paalala ngayon ni Oczon sa mga may-ari na palitan na nila ito o ibalik sa orihinal
ang tambotso.
Samantala sa mga nakumpiska
namang motorsiklo na nais na nilang kunin ay kailangan muna nilang dalhin ang
kanilang tambotso at palitan ito sa harap mismo ng MTO Malay para masigurong hindi
na nila ito magagamit.
Ang Boracay na
noise pollution sensitive, ay nakakatanggap ng samu’t-saring reklamo sa ingay
na dulot ng muffler lalo na sa gabi.
Sa ngayon ay
nagpapatuloy ang operasyon ng mga kapulisan at MAP o Municipal Auxiliary Police
sa panghuhuli ng mga lumalabag dito.
No comments:
Post a Comment