YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 31, 2016

Mga hindi nahakot na basura sa Boracay, tinalakay sa SB Session

Posted August 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for basuraPinuna ngayon ni Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero ang tungkol sa umano’y mga hindi nahahakot at umaapaw na basura sa beachline ng Boracay.

Sa 9th Regular Session ng SB sa bayan ng Malay kahapon, laman ng  Privilege Speech ni Gallenero ang hinggil sa mga basura na inaabot na daw ng alas-otso ng umaga ay hindi parin nahahakot ng mga basurero o ng MRF truck kung saan malaki umano itong  atraksyon lalong-lalo na sa mga turistang dumadaan.

Kaya naman nais niya ngayong ipatawag sa susunod na sesyon ang Solid Waste Management Office sa katauhan ni Engr. Arnold Solano.

Nais ni Gallenero na kwestiyunin si Engr. Solano kung ano ang dahilan ng mga problema at kung paano ito masusulusyunan dahil matagal na umano itong problema pero hanggang sa ngayon ay hindi parin ito naaayos.

Sa kabila nito, nagbigay rin ang ibang miyembro ng SB ng suhestyon na pwede rin umanong bumili ng Barge para sa pag-transport ng mga basura papuntang Landfill sa bayan ng Malay para mapabilis ang paghahakot ng mga tone-toneladang basura ng isla.

No comments:

Post a Comment