Posted August 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang ginawang hakbang ni PSSUPT. John Mitchell Jamili Acting
Police Director at Commander ng Special Investigation Task Group Odicta, sa mga
armas ng dalawang pulis na nagdala sa mga biktima sa hospital para maging
transparent at mawala ang pagdududa tungkol sa insidente.
Sa panayam ng YES FM Boracay kay SPO1 Nida Gregas, Public
Information Officer ng Aklan, isinailalim na umano kahapon sa paraffin test at
sa ballistic examination ang armas ng dalawang pulis kung saan naipadala na rin
ang resulta nito sa Police Regional Office 6.
Nabatid na ang dalawang pulis ay parte ng Aklan Provincial
Public Safety Company (APPSC) na siyang naghatid sa mga biktima sa hospital
matapos ang pagbaril-patay sa mga ito nitong Lunes ng madaling araw sa Caticlan
Jetty Port.
Samantala, wala pa rin umanong ibang update hinggil sa itinuturing
na napakalaking insidente na na may kaugnayan sa droga.
No comments:
Post a Comment