Posted August 29, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Bago magtapos ang taong ito ibat-ibang programa ang
nakalinya na isasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan.
Ito ang inanunsyo ni Carmen Ituralde, DTI Provincial
Director sa ginanap na regular na DTI meets the media nitong Huwebes.
Ayon kay Ituralde, ang kanilang mga nakalinyang aktibidad
ay Skills training on Coco noir processing habang nakatakda naman ang Bagwis Program
ng DTI kung saan kikilalanin ang mga establishments na maganda ang serbisyo sa
mga konsumidor.
Meron din umano silang best feature story contest para sa
mga estudyante kung saan ang kanilang ipi-feature ay ang mga negosyante na naging
matagumpay sa tulong naman ng DTI, at ang Consumer quiz bee competition.
Ang DTI ang isa sa mga ahensya ng gobyerno na mayroong
madaming proyekto sa pagtulong sa mga maliliit na negosyante at pag-papaunlad
pa lalo sa kanilang pangkabuhayan.
No comments:
Post a Comment