Posted September 1, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Humingi ng tulong sa Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) ang isang turistang Chinese national upang mabawi ang kanyang cellphone
na tinangay ng isang lady boy.
Sa report ni Li Heng, 40-anyos sa mga pulis, nagkakilala
umano sila ng lady boy sa front beach area ng Balabag kung saan nauwi ang mga
ito sa ilang minutong pag-uusap habang naka-upo sa buhangin.
Ngunit nauna umanong mag-paalam sa biktima ang naturang
bading ngunit kasabay nito ay doon na rin napansin ng turista na nawawala na
ang kanyang cellphone na nakalagay sa loob ng kanyang bag.
Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang biktima sa
Boracay PNP para mahanap ang kanyang cellphone na tangay ng nakausap na bading.
Samantala, sa isinagawang follow-up investigation ng BTAC
ay nakita umano ng isang MAP member na ang nakasamang lady boy ng biktima ay si
Emilio Fernando, aka “Pokwang”.
Kaagad namang nahuli ng mga otoridad ang suspek kung saan
nakuha sakanya ang cellphone ng biktima at ngayon ay pansamantala siyang ikinustodiya
sa Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment