Posted September 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpairal na rin ng full alert status ang Aklan Police Provincial
Office (APPO) kasunod ng pagsabog kagabi sa Davao City.
Ayon kay SPO1 Nida Gregas Public Information Officer ng
APPO Aklan, nanatiling naka-antabay ang kanilang pwersa kasunod ng nangyaring
insidente kagabi sa lugar ng Pangulo.
Pinayuhan din nito ang publiko na maging alerto at
isumbong sa mga otoridad kung mayroon silang mapansing kahina-hinalang gawi sa
kanilang mga lugar.
Nabatid na bahagi ito ng kanilang precautionary measures
upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan.
Kasabay nito mas pinaigting din ang seguridad sa National
Capital Region Police Office (NCRPO) lalo na sa mga matataong lugar kagaya ng mall,
pantalan, paliparan at bus stations kung saan dinagdagan na rin ng pwersa ng
mga magbabantay na pulis.
Samantala, umakyat na ngayon sa 15 katao ang namatay sa
naganap na pagsabog sa Roxas Street sa bahagi ng night market sa Davao City na
sinasabing kagagawan ng Abu Sayyaf group (ASG) ayon sa paniniwala ng MalacaƱang.
No comments:
Post a Comment