Posted September 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malapit na umanong buksan sa publiko ang bagong ginagawa
ngayong waiting area sa Cagban Port sa isla ng Boracay.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Port Administration, bagamat wala pang target na petsa kung kaylan ito
matatapos ngunit maaari na umano itong magamit sa sandaling hindi na
mararanasan ang Habagat sa Boracay.
Nabatid na isa ito sa mga plano ng probinsya para sa
naturang pantalan kabilang na ang pagkakaroon ng malaking terminal area at ang
kasalukuyang ginagawa ngayong pagpapahaba ng rampa para sa daungan ng mga
bangka.
Samantala, hindi naman matiyak nito kung kaylan sisimulan
ng gobyerno ang mga plano sa reclamation area sa Caticlan Jetty Port.
No comments:
Post a Comment