Posted August 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nakatakda ngayong
ipatawag muli ng Sangguniang Bayan ng Malay ang National Grid
Corporation of the Philippines o (NGCP), Petro Wind at ang Aklan Electric
Cooperative (AKELCO).
Ito’y patungkol sa
patuloy na kakulangan ng supply ng kuryente sa bayan ng Malay lalong-lalo na sa
isla ng Boracay na nagdudulot ng perwesyo sa mga negosyante.
Sinabi ni SB
Member Nenette Aguirre-Graf, plano nila
ngayong bisitahin at alamin ang kalagayan sa area ng Napaan River at Windmills
upang malaman kung ano ang mga sulosyon na dapat gawin sa palagiang brown out
na nararanasan hindi lang sa Malay at Boracay maging sa ilang bahagi ng
probinsya.
Nabatid na hindi direktang
dumadaloy ang kuryente na nalilikha ng windmill ng Petro Wind sa AKELCO dahil
direkta itong sinusuplayan ang National Grid Corporation of the
Philippines o (NGCP) bago ito ibenta sa mga
kooperatiba.
Kaugnay nito, nabanggit
ni Graf na magse-set sila ng schedule para puntahan ang naturang lugar kasama
ang Akelco para ma-obserbahan ang mga dapat gawin na aksyon para maibsan ang
brown-out ng sa gayon ay hindi na umano mag dahilan ang AKELCO na merong
gumapang na ahas o nasagi na kahoy na naging sanhi ng pagkawala ng supply
kuryente.
No comments:
Post a Comment