Posted August 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Sangguniang Bayan (SB) member at
Chairman of Committee on environment Nenette Aguirre Graf sa isang panayam.
Ayon kay Graf, layun umano ng summit na pag-usapan at
maghanap ng solusyon para sa mga environmental problem ng Boracay na
itinuturing na isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo.
Dahil dito ang Local Government Unit umano ng Malay ay
tutulong sa pag-organisa ng nasabing summit kung saan nais naman umanong
magsilbi bilang secretariat ang Boracay Foundation, Inc. at Philippine Chamber
of Commerce and Industry-Boracay.
Samantala, ang provincial government umano ng Aklan at
ang Department of Tourism ay nag-paabot na rin ng suporta para rito.
No comments:
Post a Comment