Posted August
4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Handang-handa na ang Local Government Unit ng Malay para
sa ipapatupad na clearing operation sa vegetation area ng isla ng Boracay.
Dahil dito sinabi ni Executive Officer II Rowen Aguirre ng
Office of the Mayor na napag-uusapan umano nila ngayon kung maaari silang bumuo
ng Special Task Force para bantayan ang nasabing vegetation.
Ngunit bago ito ang Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) muna ngayon ang magbabantay dito kasama ang Municipal Auxiliary Police
(MAP) para i-monitor ang mga ipinagbabawal na vendors sa beach area at ang
lahat ng structures sa vegetation tuwing daytime.
Nabatid na isasailalim sa clearing operation ang
vegetation area ng Boracay kung saan ipinagbabawal ang paglagay ng anumang istraktura
tuwing daytime kagaya ng mga lamesa, upuan, beach umbrella, sound system at lalo
na ang mga vendors.
No comments:
Post a Comment